-- Advertisements --

Nakapasok na rin ang Omicron Coronavirus disease 2019 (COVID-19) variant sa Czech.

Ito ang kinumpirma ng tagapagsalita ng regional hospital sa northern Czech city ng Liberec.

Ayon kay spokesman Vaclav Ricar, ang naturang strain ay mula sa isang babaeng pasyente.

“We can confirm that the strain was confirmed,” ani Ricar.

Una rito, kinumpirma na rin ng United Kingdom (UK), Germany at Italy na nakapasok na sa kanilang bansa ang bagong variant ng COVID na tinatawag ding B.1.1.529.