Hawak na ng Orlando Magic ang 3-1 na bentahe laban sa Detroit Pistons.
Dinumina ng Magic ang Game 4 sa pangunguna ng mga batang players tulad nina Desmond Bane, Paolo Banchero, at Wendell Carter Jr., na pawang ibinabad sa hard court nang higit sa 35 minuto.
Sa pagtatapos ng laban, pare-parehong nakapagtala ng positive (+) performance ang tatlo. Kumamada ng 22 points si Bane, habang 12 points at 11 rebounds naman ang kontribusyon ni Carter Jr. Nag-ambag si Banchero ng 18 points at walong rebounds.
Pinilit pa ng Pistons na agawin ang 6-point lead ng Magic sa third quarter, ngunit kinulang ang kanilang effort sa huling yugto dahil sa mahigpit na depensa ng Orlando.
Sa panig ng Pistons, umabot sa 25 points ang naipasok ni guard Cade Cunningham, habang 20 points naman ang ambag ni Tobias Harris.
Inalat nang husto ang shooter na si Duncan Robinson sa kabuuan ng laban. Sa anim na 3-pointer na kaniyang tinangka, isa lamang ang pumasok. Naka-shoot din siya ng isang 2-pointer at dalawang free throws, kaya’t pito puntos lang ang naitala.
Magaganap sa Detroit ang susunod na paghaharap ng dalawang koponan para sa Game 5, isang do-or-die match.
















