-- Advertisements --
Kinasuhan ng pamilya ng may akda ng artikulo na naging inspirasyon para gawing pelikulang “Top Gun” noong 1986 na pinagbidahan ni Tom Cruise ang movie productions dahil umano sa copyright.
Ayon sa reklamong inihain sa Los Angeles federal court na ang Paramount Global PARA O unit ay bigong ma-reacquirer ang right sa Ehud Yonay 1983 article na “Top Gun” mula sa pamilya bago ilabas ang pinabagong sequel.
Ang kaso ay isinampa nina Shosh Yonay at Yuval Yonay na nakatira sa Israel sila ang naiwang pamilya ni Ehud.
Hindi naman binanggit ng mga nagrereklamo kung magkano ang damyos na kanilang hinihingi.
Ayon naman sa kumpanyang Paramount ay handa nilang sagutin ang mga paratang sa kanila.