-- Advertisements --
Naibenta sa mahigit P12.8 milyon ang original handwrittern lyrics na kanta ni David Bowie na “Starman”.
Ang nasabing kanta ay siyang nagdala sa kasikatan ni Bowie na inilabas noong 1972.
Ayon sa Omega Auctions na ang nasabing lyrics ay mas apat na beses na mahal kaysa sa estimated na price nila na P2.5 milyon.
Nabili ito ni Olivier Varenne ang director of acquisitions and alliances and collections ng Museum of Old and New Art sa Tasmania.
Noong 2019 ay naibenta sa halagang P3.2 milyon ang first demo ni Bowie na kumakanta ng Starman.