Pinaiimbestigahan ngayon sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) ang ulat ng sapilitang pagkuha at pagbenta sa organ ng mga pinarusahang religious at ethnic minorities ng China.
Lumabas sa findings ng independent panel NA China Tribunal na patuloy ang “organ harvesting” sa mga nakakulong na miyembro ng Falun Gong spiritual group.
Ayon kay Atty. Hamid Sabi, obligasyon ng mga bansang miyembro ng UN, kabilang na ang China, na aksyunan ang iligal at hindi patas na sistema ng organ donation.
“Victim for victim and death for death, cutting out the hearts and other organs from living, blameless harmless peaceable people constitute one of the worst mass atrocities to this century,” ani Sabi.
Sapilitan daw kasing kinukuha ang bahagi ng katawan ng ethnic minorities hanggang mamatay ang mga ito.
“Organ transplantation to save a life is a scientific and social triumph but killing the donor is criminal.”
Taong 1999 nang i-ban ng Chinese government ang naturang grupo matapos mag-protesta ang nasa 10,000 miyembro nito sa Beijing.