Kasalukuyan nang kumukuha ang US-based Merck & Co Inc at Ridgeback Biotherapeutics ng mga Coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients para sa Phase 3 Clinical Trial ng molnupiravir.
Ang molnupiravir ay isang oral antiviral treatment para sa COVID-19.
Ayon kay Dr. Nick Kartsonis, senior vice president ng Merck’s infectious disease unit, kapag naging matagumpay ang isasagawang clinical trial, posible itong gawing karagdagang option para maibsan ang panganib na dulot ng naturang virus.
Isasagawa naman ang phase 3 clinical trial sa bansa ngayong buwan sa Asian Hospital at Medical Center maging sa Quirino Memorial Medical Center.
Posibleng isalang sa clinical trial ang nasa 1,332 volunteers na tatanggap ng molnupiravir (800 mg) o placebo na iinumin sa loob ng kada 12 oras sa loob ng limang araw.
Ang mga ie-enroll na participants ay kailangang 18-anyos na mayroong kahit isang sign o sintomas ng COVID-19 at hindi nakaramdam ng naturang mga sintomas sa nakaraang limang linggo.
Pero nilinaw ng drugmakers na hindi eligible sa naturang trial ang mga nakatanggap na ng unang dose ng COVID-19 vaccine sa loob ng pitong araw at nagkaroon na noon ng COVID-19.