Pinuri ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia ang naging desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawin na lamang opsyonal ang pagsusuot ng face mask sa mga indoor spaces.
Sinabi pa ni Garcia na tama lang ang desisyon ng national government dail nagbibigay-daan ito na mas mapalakas ang pagbangon at mapalago pa ang ekonomiya ng bansa.
Dagdag pa ng gobernador na panahon na para mag ‘move on’ mula sa pandemyang dulot ng COVID-19.
“Firts of all, it is apt.It is appropriate…We should be back to normalcy by now so we can refocus on rebuilding the economy and helping people recover their livelihoods and businesses, helping them recover their jobs and pushing for economic growth,” saad ni Garcia.
Una nang inanunsyo nitong Martes ni Tourism Secretary Christina Frasco na maglalabas ng executive order (EO) si Pangulong Marcos na nagpapahintulot na sa boluntaryong pagsusuot ng facemasks sa indoor places.
Gayunpaman, kinakailangan pa rin ang pagsusuot ng face masks sa public transportation, medical at health facilities.