GENERAL SANTOS CITY – Matagumpay na bumagsak sa kamay ng pinagsanib na puwersa ng mga otoridad ang isa sa opisyal ng Alabel-Maasim Credit Cooperative (ALAMCCO).
Kinilala ito na si Tata Bagan ng Barangay Pag-asa, Alabel, Sarangani Province.
Nadakip si Bagan sa bisa ng warrant of arrest na may criminal case number 01877-20 sa kasong syndicated estafa.
Walang inirekomendang piyansa si Hon. Rebecca G. Dardo-Seredrica, Presiding Judge, Regional Trial Court, 11th Judicial Region, Branch 46, Alabel, Sarangani Province.
Sangkot si Bagan sa ALAMCCO, isang investment scheme na nag-aalok ng 35% na interes sa investor.
Kabilang din si Bagan sa most wanted person (regional level) ng Police Regional Office 12.
Kaagad na dinala si Bagan sa Regional Intelligence Unit Headquarters.