-- Advertisements --
JV Arcena

Naniniwala ang isang opisyal ng gobyerno na pakikinabangan at mamahalin ng mga EMBO residents ang innovative education program ng Taguig City.

Sa isang pahayag, sinabi ni JV Arcena, Assistant Secretary for special concerns and international press secretariat sa ilalim ng Office of the Press Secretary na kumpara umano sa Makati na nagbibigay lamang ng scholarship sa top 10% lamang ng kanilang estudyante, ang Taguig City ay nag-aalok ng oportunidad sa lahat ng estudyante at hindi hadlang kung anuman ang kanilang academic achievements.

Tinawag rin nitong game changer ang alok na scholarship ng Taguig.

Ang tinutukoy ng opisyal ay ang flexible scholarship program ng Taguig na kung saan nagbibigay ang kanilang lokal na pamahalaan ng financial assistance.

Aabot sa P15,000 hanggang P110,000 ang ipinapamahagi ng Taguig kada taon depende sa nais na scholarship ng estudyante.

Samantala, binuweltahan naman ni Taguig Mayor Lani Cayetano ang umano’y mga fake news ni Mayor Abby Binay.

Punti ni Cayetano, dapat ay hindi minamaliit ni Binay ang kakayahan ng ibang lokal na pamahalaan.

Hinimok rin nito ang lahat na magkaisa at huwag magbitaw ng salita na makakasakit at magdudulot ng panic sa ating kapwa.

Sa ngayon ay nagsimula na ang pamamahagi ni Cayetano ng school supplies para sa mga EMBO residents na tatawagin na ding Taguigeño, sinimulan ng alkalde ang pamamahagi sa Pitogo High School at iikutan nito ang 13 pang paaralan.