Maayos ang takbo ng mga operasyon sa mga paliparan sa Pilipinas ngayong Semana Santa sa gitna ng pagdagsa ng mga pasahero, ayon sa Bureau of Immigration (BI).
Sinabi ni Bureau of Immigration Commissioner Norman Tansingco na “smooth sailing” ang lahat ng airport operations.
Aniya higit sa 40,000 ang naitalang departures at halos 35,000 arrivals ang kanilang mga naitala.
Nagsagawa ng inspeksyon ang BI chief sa mga immigration operations sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals 1, 2, at 3.
Pinaalalahanan ni Tansingco ang mga terminal head na mahigpit na subaybayan ang mga pila para matiyak ang mahusay na pagproseso ng mga pasahero.
Kung matatandaan, sinabi ng Manila International Airport Authority (MIAA)na inaasahan nilang 1.2 milyong pasahero ang dadagsa sa pangunahing gateway ng bansa mula Abril 1 hanggang Abril 10.