-- Advertisements --
pasig river ferry

Sinuspinde ngayong araw ng Metropolitan Manila Development Authority(MMDA) ang suspensyon ng Pasig River Ferry.

Ang naturang suspensyon ay bunsod pa rin ng epekto ng nararanasang sama ng panahon sa malaking bahagi ng bansa.

Batay sa anunsyo ng MMDA, ang 13 istasyon ng Pasig River Ferry Service ay apektado.

Kinabibilangan ito ng mga istasyon sa bahagi ng Pinagbuhatan, San Joaquin, Maybunga, at Kalawaan sa Lungsod ng Pasig.

Kasama rin dito ang ang mga istasyon mula sa ibang mga lungsod, katulad ng Guadalupe at Valenzuela sa Makati City, at Hulo station sa Mandaluyong.

Kabilang din dito ang istasyon ng Lambingan, Sta Ana, PUP, Lawton, Escotta, at Quinta, sa Maynila.

Abiso ng MMDA, maglalabas muli ito ng karagdagang mga abiso, oras na maibalik na ang operasyon ng mga ito.