Balik na sa normal ang operasyon ng mga pasilidad ng nagsusuplay ng kuryente na naapektuhan ng Typhoon Paeng.
Sa inilabas na advisory ng Manila Electric Company, inihayag nito na sinusuri na nila akung may mga customers na wala pa ring suplay ng kuryente na kasalukuyang tinutugunan na ng kanilang personnel.
Nitong Martes, sinabi ng Meralco na nasa 13,168 residente ang walang suplay ng kuryente karamihan ay mula sa Laguna at nalalabing lugar sa Quezon, Bulacan, Batangas, Cavite, Rizal, at Metro Manila.
Samantala, sinabi naman ng national Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na balik na rin sa normal ang operasyon ng power transmission sa Luzon.
Tiniyak naman ng NGCP sa publiko na patuloy silang nakabantay sa weather disturbances na papasok pa sa bansa at nakahandang i-activate ang knailang Overall Command Center sakali mang magkaroon ng aberya sa kanilang transmission facilities.