-- Advertisements --

Pansamantala munang itinigil ng LRT2 ang kanilang operasyon kaninag umaga matapos masunog ang Uninterrupted Power Supply o UPS nito sa Santolan Station.

Ayon kay Lyn Paragas, public relations head ng Light Rail Transit Authority (LRTA), na naganap ang nasabing insidente dakong alas-5:10 ng umaga na nagtagal ng halos isang oras.

Dagdag pa nito, ang UPS na nasunog ay nagbibigay ng kuryente sa mga bagon kung sakali mang makaranas ito ng power fluctuation o power interruption.

Bilang hakbang ng pamunuan ay wala munang operasyon ang LRT ngayon habang gumugulong pa ang imbestigasyon hinggil sa insidente.

Sinisigurado rin umano ng mga ito kung mayroon pang ibang equipment na nadamay mula sa pagkasunog.

Magbabalik lamang ang operasyon ng LRT2 sa oras na makita nila na walang ibang nadamay o nasira mula sa sunog.