-- Advertisements --

CEBU CITY – Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad kung paaano nangyari ang pagguho ng ginagawang condo residence sa Camp Lapu-lapu Road, Barangay Apas, Cebu City kahapon.

Sa nasabing insidente, patay ang isang construction worker na isang Romeo Waniwan, 24-anyos.

Isa naman ang sugatan na nagngangalang Abel Bautista, 41-anyos.

Ayon kay Ramil Ayuman, ang pangulo ng Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office (CCDRRMO), nangyari ang insidente sa construction site ng Mivela Garden Residences.

Kaugnay nito, kaagad namang pinirmahan ni Architect Florante Catalan, ang pangulo ng Office of Building Officials- Cebu City ang suspension order ng operasyon ng nabanggit na construction site.