
Hindi maaaring basta ipatigil ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang operasyon ng Cessna planes.
Sinabi ni CAAP spokesman Eric Apolonio na magkaiba ang pagtrato sa commercial aircrafts at mga eroplano ng Philippine Air Force (PAF).
Paliwanag nito, hindi uubrang ipatupad sa commercial ang ginagawa sa PAF na kapag nagka-isyu ang isang eroplano ay pwedeng suspendihin ang iba pang kahalintulad na modelo.
Magkakaibang kumpanya o indibidwal kasi anya ang nagmamay-ari ng Cessna planes at karamihan sa mga ito ay flying schools.
Ayon kay Apolonio, nasa 21 flying schools ang gumagamit ng Cessna planes.
Tiniyak naman ng opisyal na mayroong air worthiness certificates ang mga Cessna planes at mayroong checklist na sinusunod bago sila mabigyan nito.
Ginawa ng CAAP ang pahayag makaraang mawala ang dalawang Cessna planes sa Isabela at Albay.










