Maari nang magsimulang magparehistro online sa darating na Abril 30 ang mga applicants para sa national identification system sa bansa, ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Sec. Karl Chua.
Ayon kay Chua, ilulunsad nila sa Biyernes ang online sytem na siyang kokolekta sa demographic data ng mga magpapatala sa national ID.
Pero nilinaw ni Chua na kailangan pa ring pumunta ng mga applicants sa registration centers para makuhanan sila ng biometrics pati na rin sa pagbubukas nila ng kanilang bank account.
Naniniwala si Chua na makakatulong ang national ID system para mapabilis ang vaccination program pati na rin ang pagpapahatid ng financial aid sa kasagsagan ng lockdown.
Dagdag pa nit, makakatulong din ang naturang sistema upang sa gayon ay makapagbukas ng kanilang bank accounts ang mga low-income families.










