DAGUPAN CITY — No political colors.
Ito ang binigyang-diin ni Atty. Nelson V. Gayo, ang siyang lead convenor sa kanyang talumpati sa inilunsad na “Count Me In” Digital/Online Petition na humihimok sa Kongreso na amiyendahan ang Omnibus Election Code.
Maliban pa dito ay idiniin din ng grupo na wala silang kinakampihan at mas lalong hindi adbokasiya ang isinunmite nilang petisyon para sa mga hindi nag-audit at hindi rin ito gagawin o magbibigay-daan sa pagudyok na magehersisyo ng partisan politics.
Dagdag ni Gayo na ang pagkilos na ito ay hindi para sa kahit na sinong pulitika, o kumakandidato para sa darating na halalan, bagkus ito ay para sa mga soberanyang mamamayan. Saad pa nito na obligasyon at responsibilidad ng mga naluklok sa pwesto ang turuan at maliwanagan ang sambayanang Pilipino kung ano ang nangyayari ngayon sa usapin ng hybrid election system.
Kaugnay nito ay binigyang-diin naman ni Gayo sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan na walang sinuman ang nagdikta sa kanya na isulong ang pagkilos na ito. Aniya na malakas ang kanyang paniniwala na mayroon talagang problema sa electoral system ng bansa na nagudyok naman sa kanya upang simulan ang proyektong ito.
Bagkus nilinaw nito na ang petisyon na ito ay adbokasiya hindi para sa personal o political interest nito kundi para sa mga mamamayang Pilipino at sa ikagaganda pa ng electoral system sa bansa.