Bilang bahagi ng tinatawag na “new normal” at pagsasailalim sa Metro Manila sa general community quarantine (GCQ), naglunsad na rin ang Bureau of Immigration (BI) ng online appointment system para sa kanilang mga kliyente sa main office nito sa Intramuros, Maynila.

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente, nais nilang sumabay s normal sa pamamagitan ng paggamit ng online appointment system.

Layon nitong maiwasan ang pagbuhos ng mga taong may transaksyon sa kanilang tanggapan at para maipatupad parin ang tamang physical distancing kontra Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ang mga kliyente lang na mayroong appointment code ang tatanggalin at dito makikita ang petsa at oras ng kanilang appointment sa kawanihan ang maseserbisyuhan nito. 

Kailangan din ng kliyente na magpakita ng government-issued ID bago papasukin sa compound ng Immigration bureau.