-- Advertisements --

Ngayon pa lamang ay nagbabala ang mga organizers ng FIFA World Cup 2022 na makukulong ng hanggang pitong taon ang sinumang masangkot sa pakikipagtalik sa hindi nila asawa.

Mahigpit kasing pinagbabawal sa batas ng Qatar ang tinatawag na ‘One-Night stand’ kaya ngayong kaaga pa lamang ay pinaghahanda na nila ang mga fans at players.

Kabilang din aniya sa pinagbabawal ay ang same-sex marriage maging ang pagkakaroon ng kasiyahan o inuman matapos ang mga laro.

Gaganapin ang FIFA World Cup 2022 sa Qatar mula Nobyembre 21 hanggang Disyembre 18, 2022.