-- Advertisements --

Nagpositibo sa COVID-19 ang operations manager ng One Hospital Command Center (OHCC) ng Pilipinas.

Inamin ito mismo ni Dr. Bernadett Velasco sa isang panayam, kung saan sinabi rin niya na siya ay kasalukuyang nananatili sa isang isolation facility kung saan naroon ang mga asymptomatic patients tulad niya.

Sa kabila ng kanyang sinapit, sinabi ni Velasco na tuloy-tuloy pa rin siya sa kanyang pagtatrabaho haban naka-isolate.

Magugunita na nabuo ang OHCC sa bisa ng Section 7 ng Republic Act No. 11494 o ang Bayanihan to Recover as One Act.

Tumatayo ito bilang COVID-19 national referral system para magbigay ng mabilis at efficient na pamamaraan sa mga pasyente sa paghahanap at pag-avail ng mga serbisyo mula sa mga health facilities.

Sa ilalim naman ng Department Order NO. 2020-0653 ng Department of Health, inaatasan ang OHCC na mag-facilitate sa koordinasyon sa pagitan ng mga health facilities at healthcare provider networks at ma-streamline ang referral at transfer ng COVID-19 cases.