-- Advertisements --

Target ng Department of Transportation (DOTr) na iisang card na lamang ang gamitin sa iba’t ibang uri ng transportasyon bago matapos ang taon.

Sinabi ni Transportation Sec. Arthur Tugade na ang plano niyang ito ay sasalihan ng maraming players upang sa gayon ay matiyak na walang monopolya.

Magkakaroon lamang aniya ng iisang “clearing house” ang mga ito at bibigyan laya naman ang publiko na pumili kung aling “interoperable” card ang kanilang gagamitin.

Sinabi ni Tugade na nasa plano na nila ito bago pa man magkaroon ng pandemya.

Sa ngayon, suspendido na ang mandatory use ng Beep cards para sa EDSA buses matapos na tumanggi ang service provider ng AF Payments Inc. na i-waive ang singil sa card.