-- Advertisements --

Itinanggi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na nagkaroon sila ng pag-uusap ni Senator Jinggoy Estrada ukol sa kaniyang plunder at graft case.

Ayon kay Remulla, na mayroong nakarating na impormasyon sa kaniya na may kumakausap sa nasabing Senador.

Giit nito na hindi kailanman ito kinausap ang Senador lalo na ukol sa kaso nito.

Dagdag pa ng opisyal na kung ano ang ebidensya ay yun dapat ang sundin.

Hindi ito papayag na maging kasangkapan ang kaniyang opisina sa anumang political agenda.

Una sinabi ni Assistant Ombudsman Mico Clavano na ang isinampa nilang P573-milyon na plunder at graft charges laban kay Estrada at apat na iba pa ay may bahid na pamumulitika.

Kasalukuyang nakakulong si Estrada at iba dahil sa kasong plunder matapos na maglabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan dahil sa kasong plunder na may kinalaman sa usapin ng anomalya sa flood control