-- Advertisements --
Nadagdagan ng higit P15-milyon ang kabuuang halaga ng pag-aari o net worth ni Ombudsman Samuel Martires noong 2018 ayon sa kanyang State of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).
Mula kasi sa P41.878-milyong yaman nito noong 2017 ay umakyat ito sa P57.064-milyon noong nakaraang taon.
Batay sa kopya ng SALN ni Martires, bumaba ang halaga ng real properties nito mula P13.19-milyon patungong P1.558-milyon.
Sa kabila nito umakyat ang halaga ng personal properties ng Ombudsman sa P55.506-milyon.
Wala naman itong iniulat na utang o liability.
Bago naupo bilang Ombudsman, dating nanungkulan si Martires bilang Associate Justice ng Sandiganbayan.