-- Advertisements --
OMBUDSMAN MARTIRES

Walang ebidensiya na nag-commit ng plunder ang dating mga opisyal ng PS-DBM at executives’ ng Pharmally kaugnay sa kwestyonableng pagbili ng mahigit P4 billion na COVID-19 test kits sa kasagsagan ng pandemiya.

Ginawa ni Ombudsman Samuel Martires ang pahayag kasunod ng naging statement ni Senator Francis Escudero kung saan kinuwestyon ng Senador kung bakit hindi inirekomenda ng Ombudsman ang plunder charges laban sa sangkot na mga indibidwal gayong ang involve na halaga ay lagpas sa threshold para sa plunder.

Subalit paliwanag ng Ombudsman na bagamat pinaparusahan sa ilalim ng batas sa plunder amg pagkamal ng P50 million ill-gotten wealth bilang threshold sa pag-commit ng plunder, dapat na matukoy kung sino ang main plunderer.

Sa kaso aniyang Pharamally, hindi maaaring sampahan ng plunder dahil walang ebidensiya na nagkamal ng nakaw na yaman si dating Budget USec. Christopher Lao at dating DBM procurement director Warren Liong.

Wala din aniyang kasunduan sa pagitan ng ng Pharmally at nina Lao o Liong para magkamal ng ill-gotten wealth. Ang malinaw aniya pinaboran nila ang Pharmally dahik binigyan nila ng kontrata para sa test kits.

Gayunpaman, maaari pa ring isumite ang impormasyon para sa plunder kung isa sa akusado ay tumayong state witness.

Aniya, maaaring irekonsidera nito ang muling pagsasagawa ng preliminary investigation at amyendahan ang impormasyon kung isa sa mga akusado ay maging state witness at umamin na nagbigay ng pera kay Lao o Liong o sinumang opisyal ng DBM at nagkakahalaga ng mahigit P50M.

Matatandaan na una ng ipinag-utos ng Ombudsman ang pagahahain ng tatlong bilang ng graft laban kina Lao, Liong, DBM procurement management officer Paul Jasper de Guzman at Pharmally officials na sina Twinkle Dargani, Linconn Ong, Justine Garado Huang Tzu Yen.

Gayundin ang isang bilang ng graft sa iba pang opisyal ng DBM at Pharmally.