-- Advertisements --

Umapela office of the Ombudsman sa Kongreso na alisin na ang probisyon hinggil sa pag publish ng “audit observations” ng Commission on Audit o COA.

Sa budget briefing ng House Committee on Appropriations, hiniling ni Ombudsman Samuel Martires sa Kongreso na tanggalin na ang probisyon sa General Appropriations Act o GAA hinggil sa pagpa-publish ng audit observation memorandum.

Sinabi ni Martires, ang nasabing hakbang kasi ay nagdudulot ng gulo.

Inihalimbawa ni Martirez na kapag nabasa ng isang tao sa isang audit observation na mayroong P10 million project na may kaunting aberya, sasabihin kaagad na ang opisyal ng pamahalaan ay kumikita sa proyekto, pero ang dahilan pala ay hindi lang ito nakapagsumite ng resibo.

Sinabi ni Martires na kapag may nagsasampa ng reklamo sa Ombudsman at kanilang ibinabasura dahil wala namang sapat na ebidensiya ay sinasabi na nalagya, kawawa dito ang judge na napagbintangan.

Umaasa si Martires na ikunsidera ang nabanggit na probisyon.

Sa ngayon lusot na sa house panel ang panukalang budget ng Ombudsman.

“Meron po sana akong gustong i-mungkahi sa Kongreso na kung puwede ay alisin na sa special provisions o sa general provisions ng GAA yung pagpa-publish ng audit observation memorandum… Nagko-cause po ng gulo, kasi sa pananaw ng isang tao pag nabasa niya na mayroong isang P10-million project na may konting aberya, sasabihin kaagad na itong government official ay kumikit. Di lang pala na-submit ay resibo,” pahayag ni Martires.