-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Matatapos ngayong araw ang isinagawang refresher course ng Department of Education o DepEd para sa mga technical coaches at officials ng iba’t ibang sporting events bilang paghahanda para sa Palarong Pambansa 2026 na ginanap sa D.O. Plaza Sports Complex Covered Court, Patin-ay, Prosperidad, Agusan Del Sur.

Sinimulan ito kahapon, Mayo a-19, na dinaluhan nina Agusan Del Sur Governor Santiago Cane Jr., mga opisyal ng DepEd, Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz, at mga technical officials bilang suporta sa paghahanda ng lalawigan para sa pambansang sporting event.

Layunin ng aktibidad na mapalakas ang kaalaman ng mga technical personnel kaugnay sa safe sports, health protocols, fairness, at maayos na pamamahala ng kompetisyon.

Ayon kay Dr. Josita B. Carmen, Schools Division Superintendent sa Agusan del Sur malaking tulong ang naturang aktibidad upang matiyak na handa ang lahat ng technical officials alinsunod sa national standards.

Habang ibinahagi rin ni Hidilyn Diaz ang kahalagahan ng naturang aktibidad.

Ayon sa kanya, dagdag kaalaman ito upang mas maintindihan ng mga kalahok ang tungkol sa kaligtasan at tamang paghawak sa sports at sa mga atleta.