-- Advertisements --

Sumakabilang buhay na ang former world junior pairs figure skating champion na si Ekaterina Alexandrovskaya sa edad na 20 sa Moscow.

Sa pahayag ng International Skating Union (ISU), labis silang nagulat sa biglaang pagpanaw ni Alexandrovskaya.

“She was a talented pair skater and the Figure Skating community will miss her. We offer our deepest sympathies to her family, friends and teammates and mourn this tragic loss,” saad ni ISU President Jan Dijkema.

Hindi pa isinasapubliko sa ngayon ang dahilan sa kanyang pagpanaw.

Ipinanganak sa Russia si Alexandrovskaya, ngunit nakakuha ito ng Australian citizenship noong 2016 para ikatawan ang bansa sa 2018 Winter Olympics.

Dito ay kanyang nakatambal sa pairs skating si Harley Windsor.

Ayon naman kay Windsor, hindi raw ito makapaniwala sa pagpanaw ng kanyang partner.

“Words can not describe how I feel right now, I am devastated and sick to my core about the sad and sudden passing of Katia,” saad ni Windsor sa Instagram.

“The amount we had achieved during our partnership is something I can never forget and will always hold close to my heart. This news is something you can never prepare for. Rest In Peace Katia.”

Maliban sa Winter Games, lumahok din ang dalawa sa iba pang mga international competition kung saan nabingwit nila ang World Junior title noong 2017.

Tinapos naman ng dalawa ang kanilang skating career bilang magpares sa unang bahagi ng 2020. (CNN/ BBC)