-- Advertisements --
Patay sa aksidente si Olympic at world championship medalist mula sa Trindidad and Tobago sa Caribbean na si Deon Leondore sa edad 29.
Ayon sa Texa A&M University, kung saan nagtatrabaho ito bilang volunteer assistant coach sa loob ng dalawang season, na pauwi na ito mula sa ensayo ng mabangga ang kaniyang sasakyan sa isa pang sasakyan.
Sumali ng tatlong Olympic Games si Lendore at tumakbo sa anchor leg ng men’s 4x400m relay final ng 2012 London Olympic at nagwagi ng bronze medal.
Nagwagi ito ng silver medal naman sa 2015 World Championship sa Beijing bago makuha ang individual bronze medals sa 400m sa 2016 at 2018 World Indoor Championships.










