Pinatumba ni Ukrainian boxer Oleksandr Usyk si British boxer Daniel Dubois para mapanatili ang heavyweight boxing titles.
Sa laban ng dalawa na ginanap sa Poland, ay pinatumba ni Usyk si Dobois sa ika-walong round.
Pagpasok naman ng ninth round ay muling pinatumba ni Usyk ang British boxer kaya inihinto na ito ng referee.
Ito ang unang pagkakataon na lumaban muli si Usyk matapos ang isang taon kung saan maraming mga fans nito ang nagwagay-way ng watawat ng Ukraine.
Napahinto bahagya ang laban sa ikalimang round ng tamaan si Usyk mula sa lowblow ni Dubois kung saan napaupo ang Ukrainian boxer.
Matapos na makarecover si Usyk ay doon na lamang niya inulan ng bugbog ang kalaban.
Dahil sa panalo ay nananatiling 21 panalo at wala pang talo habang si Dubois ay mayroong 19 panalo at dalawang talo.