-- Advertisements --
Sinimulan na ng mga kumpanya ng langis ang bawas presyo ng kanilang mga produkto.
Kaninang ala-6 ng umaga ay halos magkakasabay na ipinatupad ang P0.45 na bawas presyo sa kada litro ng gasolina.
Mayroon namang P1.10 sa kada litro ng diesel at P1.05 sa kada litro ng kerosene.
Ito na ang pangalawang sunod na bawas presyo sa mga produktong langis ng mga kumpanya ng langis sa bansa.