Pagkatapos ng pitong linggong sunod-sunod na oil price hike, magpapatupad naman ang mga oil companies ng rollback sa presyo ng petrolyo pero kakapiranggot nga lamang.

Ayon sa mga energy sources, papalo sa P0.30 kada litro ang bawas sa diesel habang P0.10 naman sa kada litro ng gasolina.

karaniwang ipinatutupad ang oil price adjustment sa araw ng Martes.

Samantala, kung may bawas-presyo sa produktong petrolyo, tumaas naman ang halaga ng liquified petroleum gas (LPG).

Simula kaninang hatinggabi, ipinatupad ng Petron ang P1.25 kada kilong pagtaas sa presyo ng cooking gas.

Katumbas ito ng P13.75 na dagdag sa kada 11 kilong tangke.