-- Advertisements --

Maagang inanunsiyo ng Department of Energy (DOE) ang malaking posibilidad ng pagkakaroon ng panibagong rollback sa presyo ng mga produktong langis sa susunod na linggo.

Sinabi ni Energy Assistant Director Rodela Romero na mayroong kasing mahigit P3 ang ibinagsak sa presyo ng mga imported na diesel at kerosene habang mayroong P1 naman ito sa kada litro base sa tatlong araw na trading sa world market.

Kung sakaling matuloy ay ito na aniya ang pag-anim na linggo na magkaroon ng rollback sa presyo ng mga produktong langis.

Posible sa araw pa ng Biyernes malalaman kung magkano ang maaaring ibaba ng sa presyo ng mga produktong langis sa bansa.