Tuloy na tuloy na ang ipatutupad na umento sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ito na ang ikatlong sunod-sunod na linggo na mayroong oil price adjustment sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon sa mga energy sources ang gasolina ang may pinakamataas na umento na papalo sa P1.30 hanggang P1.50 kada litro.
Habang ang presyo naman sa kada isang litro ng diesel at P0.85 hanggang sa P1.15 kada litro.
Habang ang kerosene ay mayroon ding malaking umento na papalo sa P1.10 hanggang sa P1.50 kada litro.
Sinabi naman ni Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad, ang expectations ng malakas na global demand para sa petrolyo sa gitna ng pagbubukas ng importer na China ng kanilang ekonomiya at ang mas mabilis na paglago ng US economy sa ika-apat na quarter ng 2022 ang posibleng dahilan ng pagtaas ng presyo ng petrolyo.
Ang oil price adjustment ay karaniwang inaanunsiyo sa araw ng Lunes at ipipututupad sa araw ng Martes.
Samantala, epektibo naman noong Enero 24, 2023, ang kada litro na umento ng gasolina at nasa P2.80 na habang ang diesel ay P2.25 kada litro at ang kerosene aty P2.40 kada litro.
Ang pinakahuli namang price adjustment ay nagresulta sa total net increase ngayong taon na P5.90 sa kada litro ng gasolina, P2.05 sa kada litro ng diesel at P3.20 sa kada litro ng kerosene.
Base naman sa data mula sa Department of Energy (DoE) price monitoring noong Enero 24 hanggang 26, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay naglalaro sa P63.30 hanggang P72.35 kada litro habang ang diesel prices ay naglalaro sa P65.40 hanggang sa P71.75 kada liro at ang kerosene ay naglalaro naman sa P75.01 to P80.75 kada litro ang presyo.