-- Advertisements --

Inaasahang magpapatupad ang mga kompaniya ng langis ng oil price hike sa susunod na linggo ayon sa Department of Energy (DOE).

Ito ay kasunod ng bahagyang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo.

Base sa 4 day oil trading, ayon kay DOE Oil Industry Management Bureau Director III Rodela Romero, inaasahang magkakaroon ng umento na P1.30 hanggang P1.50 kada litro para sa gasolina.

Sa presyo naman ng diesel, inaasahang tataas ng P1.10 hanggang P1.30 kada litro habang sa presyo ng kerosene ay tinatayang may umento na P1.30 hanggang P1.60 kada litro.

Paliwanag ng DOE na ang umiigting pa rin na tensiyon sa Middle East, pagkaantala ng shipping sa Red Sea at pagtaas ng stockpile ng krudo ng US ang ilan sa mga dahilan ng nakaambang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo. (With reports from Bombo Everly Rico)