-- Advertisements --
image 153

Inasahan ang umento sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Tinatayang magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng diesel at kerosen ngayong kalagitnaan ng buwan ng Mayo dahil sa pagtaas ng presyo ng imported petroleum products sa nakalipas na linggo.

Magkakaroon ng biggest oil price hike sa diesel na nasa P1.20 hanggang P1.50 kada litro.

Sa presyo naman ng kerosene, inaasahang magkakaroon ng umento na P1.10 hanggang P1.40 kada litro.

Habang sa gasolina naman may inaasahnag umento na P0.20 hanggang P0.50 kada litro.