-- Advertisements --

Asahan na raw bukas ang oil price hike sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa magkakahiwalay na abiso ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Inc., ang presyo ng kanilang gasolina ay magkakaroon ng umento na P0.45, diesel P0.35 at kerosene P0.65.
Cleanfuel and Petro Gazz will implement the changes, excluding kerosene which they do not carry.

Ang oil pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo ay epektibo dakong alas-6:00 ng umaga bukas maliban sa Cleanfuel na dakong alas-4:00 ng hapon pa ipatutupad ang adjustment.

Asahan namang susunod ang iba pang kumpanya ng langis sa price hike.

Base sa latest data mula sa Department of Energy (DOE) ngayong taon nasa total net increase na ng P7.15 ang kada litro ng gasolina, P5.35 sa kada litro ng diesel at mayroon namang P4.30 sa kada litro ng kerosene.