-- Advertisements --
Halos magkakasabay ang mga kumpanya ng langis na nagpatupad ng taas presyo ng kanilang mga produktong petrolyo.
Kaninang alas-6:01 ng umaga ng ipatupad ang dagdag na P1.30 sa kada litro ng gasolina habang mayroong P1.00 naman sa kada litro ng diesel ang itinaas.
Nagtaas din ng P1.35 sa kada litro ang kerosene.
Unang nagpatupad ng taas presyo ang Caltex na nagtaas kaninang 12:01 ng hatinggabi habang ang CleanFuel ay mamayang alas-4:01 ng hapon.
Isa sa itinuturong dahilan ng Department of Energy ay ang mataas na demand ng langis sa China dahil sa pagbubukas ng ekonomiya.