Ipagpapatuloy ng Department of Energy ang oil and gas development sa iba pang lugar ng bansa.
Target din nito na makahikayat ng mga mga foreign and domestic investors habang hinihintay ang pagpapatuloy na pakikipag-usap sa China para sa posibleng joint exploration ng West Philippine Sea.
Ayon kay Energy Secretary Raphael Lotilla, naging kasunduan na ipagpatuloy ang negosasyon o ipagpatuloy ang mga pag-uusap.
Subalit, wala pang anumang kasunduan sa pagsulong sa aktwal na pagsasagawa ng mga aktibidad sa Rector Bank.
Ang Philippine National Oil Company-Exploration Corp. (PNOC-EC) ay naglabas na ng imbitasyon para sa mga potensyal na “farm-in” sa ilan sa mga service contracts nito.
Ang kasunduan na muling simulan ang pakikipag-usap sa Beijing para sa isang posibleng joint exploration ay nangyari sa bilateral meeting ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasama ang Chinese President Xi Jinping noong nakaraang linggo.
Sinabi ni Lotilla na maghihintay ang kanilang kagawaran ng patnubay mula sa Department of Foreign Affairs tungkol sa “timing at paksa ng pagpapatuloy ng mga pag-uusap at maging ang lugar ng pag-uusap.”