-- Advertisements --

LA UNION – Masuwerteng napasama ang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Belgium dahil napasama sila sa mga nabigyan ng financial aid mula sa pamahalaan.

Sinabi ito sa Bombo Radyo La Union ni Tita Bisquera na isang OFW na nakabase sa Brussels, Belgium.

Ayon kay Bisquera, ang natanggap nilang financial aid mula sa pamahalaan ng Belgium ay nagmula sa kanilang monthly contribution.

Kada buwan ay kinakaltasan aniya silang mga manggagawa ng €500 hanggang €700 para ilaan sa kanilang pension, social security, at unemployment.