-- Advertisements --

Hinikayat ni outgoing Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Silvestre Bello III ang mga overseas Filipino migrant workers na umuwi na ng Pilipinas.

Ito ay kasabay ng Migrant Workers’ Day 2022 na inorganisa ng Philippine Overseas Labor Office – Overseas Workers Welfare Administration (POLO-OWWA).

Ayon kay Bello, nakahanda ang kagawaran na tulungan ang mga magbabalik na migrant workers sa bansa kung saan maaaring mag-avail ang mga ito ng reintegration services na isang package interventions at mekanismo para suportahan ang kanilang pagbabalik sa bansa sa pamamagitan ng local employment o re-employment at entrepreneurship.

Kabilang sa mga assistance na ibibigay ng DOLE ay ang capacity building, financial literacy, livelihood skills training at financial grants.

Subalit nagpahayag naman ng suporta ang Labor chief para sa mga Pilipino na pa ring magtrabaho sa labas ng bansa at nangako ng patuloy na pagtataguyod ng employment opportunities at pagprotekta ng kagawaran sa kaligtasan ng mga manggagawang Pilipino abroad.

Samantala, pinsalamatan naman ni Bello ang lahat migrant workers at tiniyak ang patuloy na pagseserbisyo ng departamento sa mga itinuturing na modern day heroes ng ating bansa.