Isinama na ang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa flaghship program ng Marcos administration na pabahay na inilunsad noong nakalipas na taon.
Ito ay matapos na lumagda sa isang kasunduan ang Department of Migrant Workers kasama ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at state run home development fund na Pag-IBIG kung saan mas magiging madali na para sa mga OFW na ma-access ang Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program (4PH).
Ayon kay DMW Secretary Susan Ople na kung dati ay nakadepende lamang ang housing program sa pondo ng gobyerno subalit sa ngayon ay mayroon ng mga pribadong bangko at Pag-IBIG para suportahan ang mga OFW na mag-aavail ng programang pabahay.
Hinikayat naman ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar ang mga OFW na mag-avail ng programa.
Ayon sa state run home development fund, nasa kabuuang 4,300 OFWs ang nakapag-secure ng home loans base sa data noong Abril ng kasalukuyang taon.