-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Hinihintay na lang ng Philippines Overseas Labor Office (POLO) sa bansang Jordan na mailabas ang medical certificate ng isang Pinay overseas worker na na-ospital matapos tumalon sa bahay ng amo.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Marjorie Majorenos ng Jordan OFW Advocates, patuloy pang inoobserbahan ng embassy officials si Mary Grace Guinto para maproseso ang kanyang mga papeles pauwi ng Pilipinas.

Ayon kay Majorenos, naiulat na tumalon sa bahay ng kanyang amo sa Majorenos makaraang makauwi galing ospital dahil sa stroke.

Nangako naman daw ang recruitment agency ni overseas Filipino worker (OFW) na Golden Legacy Job Movers Corporation na aakuin nila ang gastos para makauwi sa bansa si Majorenos.

Iniimbestigahan na ang insidente.