-- Advertisements --

ROXAS CITY – Nakarekord na ng ikalawang person’s under investigation (PUIs) ang lalawigan ng Capiz dahil sa Novel Coronavirus Respiratory Disease (nCoV-ARD).

Ito’y base sa inilabas na official statement ng Capiz Provincial Health Office.

Isang 43-anyos na babae at 17 taon na nagtatrabaho bilang domestic helper sa Hong Kong ang nananatili ngayon sa isang ospital sa lungsod ng Roxas matapos na sinasabing nakitaan ng ilang mga sintomas ng 2019 nCoV.

Napag-alaman na Enero 19, 2020 umuwi sa Pilipinas ang naturang pasyente at Enero 31, 2020 ng ito nakaramdam ng ilang mga sintomas ng nCoV kapareho ng ubo.

Dahil dito, nadesisyunan ng naturang pasyente na magpakonsulta at kaagad naman na-admit sa ospital noong Pebrero 3, 2020.

Ipinadala na rin sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Alabang, Muntinlupa City ang specimen sample nito at kanila pang hinihintay ang kalalabasan ng baoratory test.