LA UNION – Bagamat nangangamba ang pamilya sa sinapit ng isang overseas Filipino workers (OFW) na positibo sa COVID-19 sa Riyadh, Saudi Arabia ay gusto pa rin nila na makauwi ito ng buhay sa bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay Ruben Galdonez, asawa ni Lea Galodonez, residente ng Barangay Calungbuyan, Balaoan, La Union isang OFW sa Riyadh, sinabi nito na nais nilang makauwi na sa madaling panahon ang kanyang asawa.
Ayon kay Galdonez, nasasaktan ito para sa kanyang asawa dahil halos hindi na umano inaasikaso ang kanyang asawa sa nasabing bansa buhat ng malaman ang kalagayan nito.
Gayunman, gumaan ang pakiramdam umano nito ng malaman nasa mabuti ng tuluyan ang kanyang asawa habang ito ang napapagaling.
Si Lea ay apat ng taon nasa abroad bilang isang caregiver.