Binigyang diin ng ilang government officials ang kahalagahan nang agad na pagbabahagi ng impormasyon kung ang indibidwal ay nag-positibo sa COVID-19.
Ayon kay Asec. Goddes Hope Libiran ng Department of Transportation, dapat ipaalam agad ng isang confirmed case sa mga naging close contacts nito ang kanyang estado para maagapan ang posibilidad na pagkalat pa ng sakit.
“Importante kasi, kapag nalaman mo na positive ka, at kahit asymptomatic ka, importante na hindi mo ipagsawalang bahala eh. Kasi hindi mo alam, hindi mo alam kung anong magiging epekto kung makakahawa ka. Hindi mo alam kung ‘yung mahahawa mo ba, magiging severe ‘yung epekto sa kalusugan niya,” ani Libiran sa Beat COVID-19 presser ng Department of Health.
Pareho rin ang punto ni Atty. Anna Mae Lamentillo, ang chairperson ng Build, Build, Build committee, na aminadong hindi mawawala ang takot sa pagiging COVID-19 positive.
“COVID can be scary, but I think ang pinakamahalaga is you inform everyone you had contact with na you tested positive, and that they have to be tested and isolated as well pending the results. May stigma kasi kapag ka yung iba nahihiya sila na makahawa but I think mayroon kang moral responsibility to inform anyone you had contact with.”
Kung maaalala, nag-positibo kamakailan sa COVID-19 sina Libiran at Lamentillo, na kapwa asymptomatic ang kaso. Ibig sabihin, wala silang naramdaman na kahit anong sintomas.
Paalala ng mga opisyal sa mga malalagay din sa pinanggalingan nilang estado, subukang magkaroon ng positibong mindset kasabay ng pag-alaga sa sarili.
“I overbolstered myself with vitamins, healthy foods (like) fruits, vegetables, fish. Lahat ng mga healthy na pwedeng kainin at more importantly dapat enough yung sleep mo,” ani Libiran.
“I always assume that I have COVID and I always assume that the people I have interaction with have COVID because to be honest hindi mo naman alam kung sino kanino mo siya nakuha, paano, no one knows. You only know when you’re positive or not,” ani Lamentillo.










