-- Advertisements --

Ang website ng House of Representatives ay na hacked at nasira ngayong Linggo sa pinakabagong insidente sa cybersecurity.

May lumabas na mensaheng “Na-hack ka” sa kaliwang bahagi ng landing page ng Kamara, www.congress.gov.ph, bago magtanghali, kasama ang troll face comic meme.

Lumalabas din ang mensahe na, “Happy April Fullz kahit October pa lang!”.

Isang 3MUSKETEERZ ang umako sa hacking.