CEBU CITY- Naligaw ang isang official ballot galing Antique sa precinto ng Canjulao Elementary School syudad ng Lapu-lapu, Cebu

Una nito, isang botante na kinilalang si Ricardo Dungog ang nagtataka dahil iba umano ang pangalan ng Mayoralty Candidate at mga local candidate ng nasabing balota

Nang sinuri ng mga Electoral Board ang nasabing balota, ito’y galing pala sa Jaguikican, Laua-an, Antique. Habang may 120 official ballots rin na galing Bohol ang napunta sa bayan ng Cordova, Cebu.

Samantala, nagkakaproblema naman ang mga Voter’s Registration Verification Machine (VRVM) na ginagamit ngayon sa mga polling precints. Halos lahat umano ng VRVM sa mga polling precints sa Cebu ang nagmamalfunction.

Kahit sa isinagawang Final Testing at replacement ng mga Vote Counting Machine (VCM) ay may mga hindi pa rin gumagana.

Tiniyak naman Cebu City Election Officer Atty. Macher Sarno na darating agad ang replacement VCM.