-- Advertisements --
image 359

Todo ngayon ang panawagan ng Office of the Press Secretary (OPS) sa ating mga kababayang gustong mag-volunteer sa pag-repack sa mga relief goods na ipapamahagi sa mga biktima ng bagyong Paeng na kumontak sa naturang ahensiya.

Kasunod na rin ito ng pahayag ng Department of Social Welfare and Development na nangangailangan ang mga ito ng mga volunteers para sa pag-repack ng mga relief goods na ipapamahagi sa mga biktima ng bagyo

Sa Facebook post, sinabi ng Office of the Press Secretary (OPS) na ang mga gustong mag-volunteer ay pumunta lamang sa DSWD-National Resource Operations Center sa Chapel Road sa Barangay 195, Pasay City o bisitahin ang kanilang Facebook page.

Una nang binuksan ng DSWD ang kanilang tanggapan sa mga volunteers na nais tumulong sa repacking ng family food packs.

Ang mga gustong mag-volunteer, sinabi ng OPS na magtatagal ang pag-repack ng food items hanggang sa November 11.

Ang mga volunteers naman ay kailangang magpakita ng proof of complete primary Covid-19 vaccination doses at sariling water bottle containers.

Ang isang food pack na ipapamahagi ay naglalaman ng anim na kilo ng bigas, sachets ng cereal at kape maging ang mga canned goods gaya ng corned beef, tuna at sardinas.

Sa sandaling natapos ang repacking ang mga box ay agad namang idi-dispatch para sa distribution.