Nangako ang Office of Presidential Adviser on Poverty Alleviation na tutulong upang mapalakas ang industriya ng sardinas sa bansa.
Ito ay kasabay ng pagkakasundo ng naturang opisina at mga manufacturer ng sardinas para sa pagpapalakas ng naturang industriya, kasabay ng isinasagawang 6th National Sardines Industry Congress sa Zamboanga City.
Ayon kay Sec. Larry Gadon, kailangang suportahan ng pamahalaan ang mga ganitong industriya dahil sa ito aniya ang bumubuhay hindi lamang sa mga mangingisda kungdi maging sa malaking populasyon ng bansa.
Sa Zamboanga City pa nga lang kasi, 30,000 na ang nalikhang trabaho sa ilalim ng naturang industriya.
Ayon kay Gadon, tutulong ang kanyang tanggapan upang mapataas pa lalo ang kalidad ng buhay ng mga mangingisda na nasa sardine fishing, at maging ang mga manggagawa sa industriya ng de lata.
Tiniyak naman ng opisyal na magpapatuloy ang mahigpit na koordinasyon sa pagitan ng ng kanyang opisina at sa grupo ng iba pang mga mangingisda sa industriya ng sardinas, lalo ngayon at nakalatag ang ilang buwan na closed fishing season sa bahagi ng Mindanao.