Itinaas na ng Office of Civil Defense (OCD) ang pinakamataas na protocol ng “Emergency Preparedness and Response” (EPR) sa Calabarzon, Bicol Region at Eastern Visayas dahil sa epekto ng Tropical Depression “Amang.”
Ayon sa OCD, ang Emergency Preparedness and Response o EPR ay ikinategorya sa apat na kategorya: “Charlie” na tumutukoy sa high risk protocol, “Bravo” para sa moderate risk, “Alpha” para sa low risk, at “Standby” para sa none to very low risk.
Kasama sa Charlie protocol ang pag-activate sa mga emergency operations center sa red alert, pagsususpinde sa klase at trabaho, sapilitang paglikas, at advanced na pagpapalaki ng mga resources.
Sa ulat ng insidente, sinabi ng OCD na kasalukuyang ipinapataw ang Emergency Preparedness and Response “Charlie” sa Calabarzon, Bicol Region at Eastern Visayas.
Dagdag dito, ang Metro Manila, Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley at Central Luzon ay nasa ilalim ng Bravo protocol; habang ang Caraga naman ay nasa Alpha.
Ang iba pang mga rehiyon, sa kabilang banda, ay naka-standby dahil pa rin sa maaring epekto ng Bagyong Amang.